




ANO ANG
Ang Republic Act 11321, o ang Sagip Saka Act, ay iniakda ni Senator Kiko Pangilinan at naging batas noong Abril 2019.
Ito ay naglalayon na pataasin ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbebenta ng kanilang mga produkto sa mga ahensya ng gobyerno nang walang public bidding. Nilalayon nitong sugpuin ang kahirapan, tiyakin ang seguridad sa pagkain, at alisin ang mga middleman sa kalakalan.
ORDINARYONG MAGSASAKA
“Noong bagsak na bagsak ang presyo ng palay at minsan wala pang 10 pesos, ang bilihan ng mga traders, ‘binibili sa amin [ng cooperative] ng 15 pesos kada kilo ng palay.”
— HILDA INGLES
MAGPAPALAY, KASAPI NG CAMARINES SUR MULTI-PURPOSE COOPERATIVE
KAUGNAY NA MANGGAGAWA
“Dahil sa mas malaking benta ng co-op, itinaas nila ang bayad ng pag-alis ng tinik ng bangus, mula 15 pesos, naging 50 pesos kada kilo na. Dati pang-bigas at ulam lang ang kita. Ngayon, meron na para sa sarili. Nag-level up na. Dako (malaki) ang impact.“
— LIZ MENDOZA
SOLO PARENT, MANGGAGAWA, ZAMBOANGA SIBUGAY
MGA KOOPERATIBA
“Bumili nang direkta sa amin ang mga LGU ng palay at high-value crops, lalo na noong pandemic. Kaya tumaas ang benta namin. Itong 2025, naging mahigit 300 million pesos ang total na kita ng co-op.”
— ANNIELEN L. PANERIO
CAMSUR MULTI-PURPOSE COOPERATIVE (CMPC)
MGA MANGINGISDA
“Dahil sa Sagip Saka, tumaas ng 7 beses ang benta ng isda mula 2020 hanggang 2025 pagkatapos maging direktang supplier ng DSWD at isang ospital. Ang kita ng kooperatiba ng mga mangingisda ng Claveria ay 344,900 pesos noong 2020; tumaas sa 885,800 pesos noong 2021; hanggang 1.4 million pesos noong 2022; tumaas pa ng 2.2 million pesos noong 2023; pinakamataas na 2.8 million pesos noong 2024; at mataas pa rin sa 2.7 million pesos noong 2025.”
— LILIAN ANTIGUA
CHAIRPERSON, FISHERFOLK OF AGUSAN AQUATIC AGRI COOPERATIVE
LOKAL NA PAMAHALAAN
“Noong Supertyphoon Odette ng December 2021, na-stretch namin yung 10 million pesos na budget para bumili ng bigas. Dahil 2,000 to 2,200 pesos ang market price, at ang diretso sa farmers ay 1,800 to 1,950 pesos. Halos walang transportation cost, walang traders, at minimal ang requirements.
Ngayon, may EO na para sa Sagip Saka. Sana mas malawak ang makaalam at marami ang makinabang sa napakagandang batas. Senator Kiko, continue giving passion to public service.“
— MILDRED JOY QUE
DATING MAYOR NG DULAG, LEYTE, NGAYON AY PROVINCIAL BOARD MEMBER NG 2ND DISTRICT NG LEYTE
Sa Sagip Saka, hindi lang palay ang aanihin.
PROSESO NG SAGIP SAKA

UMPISAHAN NA ANG PAGSAKSES
- Magpatala sa RSBSA (Registry System for the Basic Sectors in Agriculture).
- Hanapin ang Sagip Saka desk sa inyong lugar, mag-attend ng mga seminar tungkol sa Sagip Saka.
- Sumapi sa kooperatiba.
- Siguradong may benta dahil may bumibili ng inani o hinuli (LGUs, national agencies, institutional buyers)
- Mas matatag at mas mataas na presyuhan (walang middlemen o traders)
- Kapital o pondo (para sa pataba, binhi, pestisidyo, traktora, gilingan, cold storage, delivery van)
- Pagsasanay (para sa mas angkop at mabisang paraan ng pagsasaka at pangingisda, at mga solusyon sa mga suliranin)
- Pagbubuo ng kooperatiba (mahina ang mag-isa, mas malakas kung mas marami).
KUNG KAYO’Y MAY KATANUNGAN O NAIS IBAHAGI




